Maligno

Nakikipaghabulan sa maligno ng isipan
Nakikipag bahay-bahayan
Nakikipagtawanan
Nakikipagkulitan na ‘di naman maintindihan

Nagpapalipad ng saranggola
Nagtatakbuhan ng sabay
Nagtatalunan ng pataasan
Sa mga ibon ay nakiki-babay

Nakikipag-agawan ng mga dahong nahuhulog
Nakikisayaw sa paboritong tugtog
Nakikisiksik sa maliit na upuan
Nakikipaglaro ng tagu-taguan

Nakikipagsayawan sa multo ng isipan
Nakikipagpalitan ng sikreto
Nakikinig sa lahat ng mga k’wento
Maski ‘di maunawaan kung ano

Nakikisipol sa malambot na hanggin
Pero bakit iba ang tono?
Hanggang sa malaman mo
Nahuhulog ka na sa impyerno

Basagin na ang dalang alak
Wag mong sakalin ang aking utak
Umalis ka sa’king isipan
Hindi tayo magkaibigan

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s